Monday, July 20, 2009

ex-tudyante.

Naalala ko nung nagaaral pa ko. Laging busy. Lagi akong wala sa bahay. Late na natutulog dahil sa dami ng dapat gawin. Minsan ndi na nga ko kumakain. Wala lang. Kinukumpara ko lang yung buhay ko ngayong graduate na ko sa buhay ko nung nagaaral pa ko. Ang laki ng pinagkaiba. Ang laki ng pinagbago. Kung dati'y 6am ang gising ko, ngayon, 6am na ang tulog ko. Kung dati'y halos lunch na lang kinakain ko, ngayon kumpleto na, breakfast..snack..lunch..snack..dinner..snack.. Kung dati'y may araw-araw akong allowance, ngayon? ASA PA KO! Malupit ang buhay graduate. Wahaha! Sa mga graduate na tulad ko, siguro naiisip nyo rin ang mga naiisip ko. Masaya na malungkot na nakakatawa na nakakasawa ang buhay estudyante. Di ba? Noon...Araw-araw natin nakikita mga friends natin. May allowance/kickbacks tayo. Assignment/projects/casestudy/research/revalida.Out-of-town na duties. Nakakaaning na profs/CI. Baha. Foodcourt. Mga iba't-ibang uri ng estudyante na kumukumpleto sa sirkulasyon ng buong eskwelahan. Iba satin, maituturing na dakilang estudyante talaga. Yung gustong-gusto talaga ng salitang 'study'. Yung tipong papasok palang yung prof sa classroom, magre-raise na agad ng hand para magrecite. Yun ang mga tipo ng estudyante na studious at epal. Meron naman napasok lang para makipagdate. Sila ang mga cant-live-w/o-my-bf/gf-type., in short malandi. Iba, pumasok lang para magdota. Iba naman, pumapasok lang para ipakita at ipagsigawan sa buong mundo na " Hello!!! May tatlong kilong make-up ako sa mukha ko!!! Pansin nyo ba?!?!" Yung iba, pumapasok lang para masabing estudyante sila. Mema lang. Hay. Pero kung tututuusin, kakamiss ang buhay estudyante. Yung tsansa na maraming natutunan at nalalaman na bago. Ito naman talaga ang bukod tanging layunin ng pagiging estudyante- ang matuto. Depende sayo kung ano gusto mo matutunan. Gusto mo ba matutong magdrawing? Mag-Fine arts ka. Gusto mo ba magpatayo ng buildings? Mag-Engineering or Architecture ka. Gusto mo ba ma-master ang Vital Signs? Mag-Nursing ka. Kanya-kanyang hilig lang yan. Kanya-kanyang gusto. Ika nga sa ingles, "passion". Pero kung iisipin natin, hindi kelangan pang maging estudyante upang matuto. Sa simpleng paguusap lang ng dalawang magkaibigan ay maaari na silang matuto sa isa't-isa. Sa simpleng karanasan, marami na tayong matutunan. Sabi nga, pag labas mo ng bahay nyo, dapat "empty the cup so that additional water won't spill off". English yun. Wala lang. Sa History nga madami tayong Philosophers at Genius na natuto kahit hindi nag-aral sa eskwelahan. Take note ha, mga genius sila! (Hindi ko sinasabing okay lang hindi mag-aral ha!) Hindi naman porke hindi ka nakauniporme pang eskwelahan o hindi ka nagbabayad ng tinatawag nating tuition fee o wala kang ginagawang assignments/thesis/research, e hindi ka na pwedeng tawagin na estudyante. Lahat tayo ay estudyate sa kahit na anong paraan, sa kahit na anong aspeto.

Oh, well.. sa blog na to, gusto ko lang ikumbinsi ang sarili ko na my learning didn't end last April 24, 2009. Dapat pa kong maging masigasig upang matuto. Madami pang mga bagay ang dapat kong malaman- sa buhay, sa pag-ibig, sa Diyos, sa mundo, sa buong universe. Gusto ko pa malaman kung bakit pangit ang lasa ng grass jelly..kung bakit boxing ring ang tawag sa boxing ring, e square naman sya.. etc..marami pa kong tanong na wala pang sagot. Marami pa kong gustong imbentuhin. Phone charger na solar..Contrast Dye na pwede sa mga taong allergic sa seafoods..At gusto ko magpatayo ng ospital sa gitna ng dagat at sa outer space.. Para magawa ko to, kelangan ko malaman kung pano.. at kung bakit.. Dahil ba gusto ko talagang makatulong o nag-aadik lang talaga ako. Basta, gusto ko pa matuto. Marami pang mga impormasyon, ideya at teorya ang naghihintay sakin. At hinihintay ko rin. Ayokong tawagin na ex-tudyante. Gusto ko maging estudyante fo'evah..

No comments:

Post a Comment