Hapon ng Linggo. Umiihi ako sa banyo nang marinig ko sa telebisyon na may Cory Aquino Special Tribute daw ang The Buzz. Ganun kalakas ang volume ng telebisyon namin ng hapon na iyon, abot hanggang banyo. Ganun na lang din ang excitement ko na mapanood ang nasabing tribute. Hindi ako pro-cory at lalo namang hindi rin ako anti-cory. Sakto lang. Nung nalaman ko ngang pumanaw na sya ay hindi ako umiyak gaya ng iba. Nalungkot, oo. Pero umiyak, nunca. Dahil siguro nung mga panahong nagaganap ang edsa 1 ay sperm palang ako sa katawan ng tatay ko. Wala akong ideya sa buong detalye ng sinasabing edsa 1. Ang alam ko lang, ginanap yun noong February 25. Yun lang
Hindi ko napanood ang Necrological Service para kay Pres.Cory. Kahit nung huling misa na inalay sakanya, pati yung paghatid sakanya sa sementeryo na balita ko’y di mahulugang karayom daw sa dami ng tao, lahat yun, hindi ko napanood. Kaya naman sabik at may halong kuryosidad akong masaksihan ang tribute na ginawa ng The Buzz. Si Kuh Ledesma muna, umawit sya ng opening song at hindi ko alam ang title. Lumabas si Boy Abunda na napansin kong bitin ang pantalon at walang medyas kasama si Ruffa Gutierrez na bongga ang outfit. Ayan na, introduction na. Hindi ko alam kung bakit excited akong mapanood yung tribute na yun. Hanggang sa dumaan ang ilang minuto, ilang patalastas, ilang interviews sa mga malalapit na tao sa buhay ni Pres. Cory, at napansin ko na lang na nangingilid na pala ang luha sa aking mga mata. Luha ng awa? Hindi. Luha ng pakikidalamhati? Hindi. Luha dahil napuwing lang ako? Lalong hindi. Madami akong nalaman at narealize. Iba pala talaga yung nagawa ni Mrs.Cory para sa ating bansa. Exceptional. Amazing. Awesome. Kala ko, naging presidente lang sya. Yun lang. Pero hanep yung ginawa nya. Sya pala ang bonggang-bonggang nagbalik ng demokrasya sa ating bansa. Sya ang matapang na nagbuklod sa bawat Pilipino upang malabanan ang pamamahalang diktatorya. Sya pala ang dahilan ng kalayaan natin ngayon. (Palakpakan!!!) Oo, napagaralan ko to nung nasa elementarya pa lamang ako pero parang ngayon lang na-absorb sa pagkatao ko. Astig talaga.. Imagine, sya ang dahilan kung bakit may karapatan na tayong ipaglaban kung ano ang sa tingin natin ang tama..kung bakit may freedom of the press..kung bakit nakakagala pa rin ang mga kabataan ng hanggang hating-gabi kahit may bagansya na.. (Tsk..Pasaway..) At ngayong nabanggit ko na ang kabataan, at talagang nahirapan akong mag-isip kung pano ko i-se-segue ang salitang kabataan, eto ang tanong: hindi ba kelangan nating magpasalamat sa mga taong lumaban na kahit isipin man nating cheesy at corny, lumaban sila para sa bayan..para sa hinaharap..at nakaka-touch kasi kabilang tayo sa hinaharap na pinaglaban nila. Ang sarap sa pakiramdam diba? Ineenjoy natin ang kalayaang hindi natin pinaghirapan. Pero hanggang ganun na lang ba tayo? Puro sarap na lang ba? Puro enjoy-enjoy na lang? Hindi ba responsibilidad din nating ipagpatuloy ang pakikibaka? Mananatili ba tayong makasarili? Di ba tayo nga ang tinuring na pag-asa ng bayan?
Pero anong ginagawa natin ngayon?
Sino na tayo ngayon?
Ano na tayo ngayon?
Hindi ko alam pero saka ko narealize na malaki ang papel ng bawat kabataan sa kinabukasan ng ating bansa. Malaki ang magiging responsibilidad ng bawat kabataan ngayon sa mga kabataan sa susunod na heneresyon. Sasayangin na lang ba natin ang pinaghirapang pakikibaka ng mga tao nung edsa 1 upang makamit ang kalayaan? Ang hirap..pawis..mga pangarap na isina-alang-alang..mga taong nagbuwis ng buhay..at ang demokrasyang tinatamasa natin ngayon, masasayang na lang ba? Mapupunta na lang ba sa wala?
Naririnig ko na ang luha at hinagpis ng hinaharap. Kung mananatili tayong ganito, ang auditory hallucination kong ito ay malamang magkatotoo.
Nasan ka? Nasan kang inaasahan ng bansa? Nasan kang pagasa ng ating abang bayan? Nasan ka kabataan?
PS. Wala akong balak sumali sa ano mang grupo, alyansa o rally at hayaang mabasa ng tubig-bumbero o masugatan ng mga bakal na shield ng mga pulis.. In our own little ways, we can change our country. We can change the world. Just be responsible enough to take the responsibility. (Ano raw?) Haha. Just get up ang get movin’.. Sabi nga ng pinakasikat na si Anonymous, “Action springs not from thought, but from readiness for responsibility." Share ko lang.
Monday, August 10, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment